
Ang Kabugan na inihandog ng Teatro Tomasino ay dalawang kuwento na pinamagatang "Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran at “Anino” ni Allan Lopez. Ito'y pinamagatang Kabugan sapagkat ang dalawang kuwento ay magkakabugan sa galing nito. Ang tanong, may nangyari bang kabugan?
Ang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ay umikot lamang sa dalawang tao kung saan nagkakilala ang isang babae at lalake sa zoo at nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Sila ay nagkikita palagi sa zoo kung saan sila una nagkita. Naging masaya ang kanilang pagsasama hanggang sa dumating ang asawa ng lalaki at pinatay sila.
Ang Anino naman ay tungkol sa isang babae na namatayan ng asawa. Samantalang, siya ay nabuntis ng anak ng kaniyang asawa. Siya ay naging ermitanyong babae at patuloy na ginugulo ng konsensya sapagkat akala niya siya ang dahilan kung bakit namatay asawa niya. Si Mario ang anak ng kanyang asawa. Si Luna ang asawa naman ni Mario. Ngunit, nalaman niya din ang katotohanan na si Mario ang siyang pumatay sa sarili niyang ama. Nilason niya ito. At dahil dito pinarusahan ni Luna si Mario, pinatay niya ito, ang sarili niyang asawa.
HINDI SULIT ANG P110 NA BAYAD PARA SA PALABAS NA ITO, KABUGAN.
Dahil sa pangunahing rason, ang pinaka-importante sa lahat, ang SCRIPT o ang KUWENTO. Napaka-babaw ng kanilang script at napaka-boring. Umikot lamang ito sa dalawang karakter at hindi man lang ito nagbigay na kahit anong mensahe sa manonood. Nang matapos ang palabas, ang mga tanong namin sa isa't isa ay.. "Ano ang punto ng kuwento?". Natapos man alng ang dalawang kuwento na walang kalinawan. Hindi maganda ang pagkasulat ng istorya. Siguro nga, may rason sila kung bakit ganoon ang nangyari. Ang balita pa, gahol sila sa panahon at isang linggo lang nila ito na-practice. Ngunit ito'y hindi sapat na rason sa kanilang pinakita. Kung napaganda nila ang mga props at techinical, sana mas binigyan nilang diin ang kuwento sapagkat dito umiikot ang buong palabas.
Wala naman talaga kami ma-irereklamo kung hindi ang panget at mababaw na daloy ng kuwento. Napaka-galing ng mga artista. Magagaling sila umarte at nagampanan nila ang karakter nila. Sadyang magling talaga ang mga aktor at aktres ng Teatro Tomasino. Wala na ko masasabi sa kagalingan ng mga ito sa pag-arte.
Sa props at technical naman, masasabi kong maayos nila ito nagawa. Maganda ang kanilang mga ilaw na ginamit at nagamit ang pag-iiba ng kulay nito sa bawat scene. Ang kanilang mga props din ay mahusay ang pagkakagawa.
Sa costume na aspekto, maganda ang kanilang mga suot at na-ayon sa kanilang mga karakter.
Malaki ang pagkakaiba ng isang play sa pelikula. Ang pelikula ay puwedeng uliting kung hindi maganda ang isang eksena, ngunit ang isang play ay hindi na puwedeng ulitin pa. Malaki ang paghangga ko sa mga gumanap sa palabas na ito sapagkat hindi sila nagkakamali at kung meron pa, ito'y hindi nahalata.
Sa kabuuan ng Kabugan, bibigyan ko sila ng 5 over 10 sapagkat malaking salik ang istorya. Ang kuwento o script ang siya nagdadala ng buong palabas. Siguro ito rin ay magbibigay ng leksyon sa mga miyembro ng Teatro Tomasino. Naniniwala ako na meron pa sila mas maganda at magaling na mapapakita sa mga Tomasino. "There's always a room for improvement."