Ano nga ba ang amats? Ang amats ay ang binaliktad na salitang “tama”. Ito ay tumutukoy sa “pagka-high” pag lasing na ang isang tao. Sinasabi na may “tama” na ang isang tao pag napadami ang inom nito.
Pinili ko ang salitang amats dahil sa unang kadahilanan na ito’y isang balbal na salita na binigyan lamang ng tao ng kahulugan. Hindi ito makikita sa mga diksyunaryo. Ito lamang ay nagpapahiwatig na ang mga salitang ating ginagamit ay maaring magka-iba sa ibang tao. Tayong mga tao na gumagamit ng salita ang siyang nagbibigay ng kahulugan dito. Katulad na lamang sa mailalagay ko sa “blog” na ito. Mailalagay ko ang aking mga nais na sabihin sa sarili kong pananaw. Bibigyan ko ng sarili kong definisyon at interpretasyon ang bawa’t pangyayari sa aking buhay.
Pangalawang rason ay ang paghihintulad ko sa antas ng amats sa antas ng aking kaalaman sa mga bagay-bagay sa mundo. May mga antas ang pagtama ng alkohol sa isang tao, at dumedepende rin ito sa dami o sa bilis ng paglagok ng alak. Ganoon rin sa aking maisusulat sa blog na ito. Dumedepende ang aking kaalaman na aking maibabahagi sa rami ng aking naranasan. Mas lalo ko mapapahayag ng mabuti ang isang menshe kung naranasan ko na ito at kung may sapat na kaalaman ako dito.
Sa susunod na rason ay ang pag meron ng amats ang isang tao, nailalabas niya ang kanyang mga saloobin ng walang pag-aalinlangan. Ganoon din ang nais ko sa blog na ito, ang masabi lahat ng aking nais iparating ng walang pag-aalinlangan. Ang maipahiwatig ang aking saloobin sa paraan na maiintindihan ng tao. Ang mailabas at maiparamdam sa mambabasa ang aking tunay na nararamdaman at emosyon.
Friday, March 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Magaling! 95%
ReplyDelete