
I. Sinopsis:
Maagang nagkamali sa buhay si Paula. Nabuntis siya ng matapos ang kanyang ika-labingwalo kaarawan at si Pauline ang naging bunga nito. Mahal na mahal niya ang kanyang nobyo ngunit itinago ang lalaki ng mga magulang nito nang malaman ang gusot na napasukan. Sa tulong ng magulang ni Paula, siya ay bumangon mula sa paghihirap at nagsikap. Nakatpos siya mag-aral at nagkaroon ng negosyo na interior design firm.
Maganda ang naging relasyon ni Paula at Pauline bilang mag-ina marahil sa kadahilanan na maliit ang agwat ng kanilang edad. Ngunit nagbago ang kanilang relasyon nang magkaroon ng bagong nobyo si Paula. Si Dodge ang unang nobyo ni Paula pagkatapos magkamali sa buhay. Nabubuwisit si Pauline kay Dodge sa hindi niya maintindihan na rason. Sa simula pa lang ay medyo ilag na si Pauline rito lalo ng malaman niya na siya ay kasintahan na ng kanyang ina. Dahil sa kalungkutan na nararamdaman ni Pauline, ilang puntos ang binaba ng kanyang grado. Bagsak o pasang-awa ang grado na nkaukuha niya sa mga pagsusulit. Sinabihan ni Dodge si Pauline na kung tumaas ang kanyang grado, bibigyan siya nito ng Ipod. Pinayuhin si Paula ng guidance na gawin mas bukas ang komunikasyon nila mag-ina. Sa hindi maintindihan ni Paula ang inibang kilos at patutungo sakanya ni Pauline, ito’y kanyang dinamdam at gustuhin na makausap si Pauline ukol dito.
Pumasok sa kanyang kwarto si Pauline. Ibinato sa sahig ang teddy bear na regalo sa kanya ni Dodge. Inis na inis at sinisisi niya si Dodge sa mga masasamang nangyayari sa buhay niya ngayon. At sa halip na siya ay mag-aral siya ay nakipag-text sa isang kaibigan niya. Ngunit hindi nagtagal, ito’y nagpaalam na sa kanya dahil mag-aaral na ito. Naghanap siya ng puwede niyang maistorbo. Natigil siya ng mapunta sa pangalan ng kanyang guro na si Mr. Aries Mercurio o ang mas kilala sa tawag na “Mr. Sungit”. Tinext niya ito ngunit hindi ito sumagot sa mensahe ni Pauline at nagulat na lang na tumatawag na. Sila ay nagkwentuhan at kanyang natuklasan na magaan kausap si Aries. Nahuli ng kanyang ina na sila ay nag-uusap at binigyan ito ng malisya. Inisip na lamang ni Pauline na mamomroblema si Paula sa kanya at sa pamamagitan nito, posibleng maalis ang pansin nito sa nobyo.
Patuloy ang pag-uusap ni Pauline at Aries at hinatid pa ito sa knyang bahay. Inamin ni Paula na hindi siya komportable sa kanilang sitwasyong lalo na guro ni Pauline si Aries. Para mawala ang masamang iniisip nito, umalis magkakasama sina Aries, Pauline at Paula. Dito napatunayan ni Paula ang kabaitan ni Aries. Naging magaan ang daloy ng kanilang usapan. Kahit paano naintindihan niya kung bakit ganun kasaya si Pauline pag kasama ang guro. Bago matapos ang kanilang usapan, sinbi ni Paula na gusto siya ng kanyang anak at nagulat na lang na aminin ni Aries na siya ay may gusto rin dito. Ngunit lahat ng ito ay pagpapanggap lamang para mapunta sa kanila ang atensyon ni Paula. Nabitin ang kanilang usapan ng tumwag si Dodge. Galit na galit sa pagseselos sa pag-intindi ni Paula sa kanyang anak at kay Aries.
Nasundan ng paglabas ni Paula at Aries. Sila ay namsyal ng dalawa lamang dahil may pupuntahan na kaarawan si Pauline. Kahit anong pilit alalahanin ni Paula, hindi niya matandaang nakadama siya ng ganoong kilig sa dalawang lalaking nakasama niya. Ngayon ay mas interesado siya kay Aries kaysa kay Dodge. Hindi inaasahan ni Aries na siya ay matutuwa sa pagkukuwentuhan nila ni Paula.
Maraming pagkakataon na silang lumalabas. Ilang beses na rin na silang dalawa lang ang umaalis. Ngiting-ngiti si Aries at hindi maalis-alis ang tingin dito. Marami na siya nakasama babae pero bihira siyang matuwa nang ganoon sa kasama niya. Pakiramdam naman ni Paula ay matgal-tagal na rin mula nang maging ganoon kaganda ang paglabas niya kasama ang isang lalaki. Dahil dito, tumaas ulit ang mga grado ni Pauline.
Isang araw ay gusto makipag-talik ni Dodge kay Paula ngunit ayaw ito ni Paula. Narinig ito ni Pauline ng kumatok ito sa kanilang kuwarto. Lumayas si Pauline at pumunta sa bahay ni Aries. Dahil sa hindi ito nagustuhan ni Paula, siya ay nakipag-hiwalay ito kay Dodge. Nakita niya na ang sinasabi sa kanya na hindi magandang ugali nito. Nalaman niya na hindi niya pala ito mahal. Tuwang-tuwa si Pauline ng malaman ang balitang iyon. Niyaya ni Aries na sumama si Pauline at Paula sa kanilang family gathering sa susunod na arw.
Dumating sila sa mala-palasyo bahay ni Aries. Hindi halata sa kanya na ganoon siya kayaman dahil sa simple ng buhay na pinkita niya. Pinakilala sila sa buong pamilya ni Aries. Noong una ay hindi ito tanggap ng pamilya niya dahil maaga ito nagka-anak. Ngunit, sa banadang huli, nanaig pa din ang pag-iibigan nila. Pumayag ang mga magulang ni Aries kay Paula. At nagpasya magpakasal ang dalawa at nabuhay sa masaya at mapayapa buhay.
II. Pagsusuri:
Ang manunulat ng librong “Sana ay Huwag Na Lang” ay gumamit ng impormal na estiol sa pagsulat ng aklat. Ang salita na ginamit ay madaling maintindihan ng mambabasa. Hindi naging mahirap sakin ang maintindihan ang mensahe na nais niyang iparating. Isa rin sa rason na impormal ang estilo dahil sa paggamit ng “Taglish” sa aklat. Ang mga salita din na ginamit ay mababaw lamang. Ang bawat linya na isinulat ay tumatak agad sa aking isipan at nagbibigay ng malinaw na imahe sa mga nangyayari.
III. Kongklusyon at Rekomendasyon:
Ang aklat na ito ay nagpakita ng mahalagang pangyayari at mga aral na natutunan sa isang buhay ng tao. Maagang nagkamali sa buhay ngunit ito’y kanyang pinanindigan. Marahil sinulat itong aklat dahil marami sa mga Pilipino ang may interesado na basahin dahil sa paksang maaga nabuntis at ang maipit sa dalawang importante na lalake sa buhay. Ang maagang pagbubuntis ay npapanahon ngayon. Malaki epekto nito sa mga nakaranas dahil sa mas maaga sila namulat sa realidad ng mundo sa maagang pagkakaroon ng anak at dahil sa responsibilidad na magtrabaho para sa kanilang anak. Inirerekomenda ko itong aklat sa bawat Pilipino dahil hindi natin alam na ito ay maaring mangyari sa atin o sa ating mga kaibigan.
Sana dinagdagan pa ang pag-aanalisa. Tandaan kritiko ito hindi basta paglalagom. 90%
ReplyDelete